^

Metro

Sawa nalambat sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang sawa na may habang dalawang metro at nakaperwisyo na sa mga residente sa isang barangay sa lungsod Quezon ang dinala na sa Ninoy Parks and Wildlife matapos mahuli ng isang residente dito kamakalawa.

Ayon kay Willie Boreta ng Brgy. Tandang Sora, ang sawa ay nahuli ng isang alyas Boy Topak bago itinawag sa kanilang barangay. Sinasabing nakita ni Boy ang nasabing sawa sa isang imburnal ng Roque Drive ganap na alas-10:30 ng umaga pero tinuklaw siya nito kung kaya nagpasya na itong hulihin ito para hindi na makaperwisyo.

Nabatid na nagrereklamo na umano ang mga residente sa lugar dahil sa madalas na pagkawala ng kanilang mga alagang hayop partikular ang manok sa hindi mabatid na dahilan.

Ayon naman kay Armando Alcantara, miyembro ng Ba­rangay Police Safety Officer (BPSO) may kalakasan umano ang sawa dahil mahigpit ang pagkakalingkis nito sa katawan niya nang kanyang kunin sa kulungan.

ARMANDO ALCANTARA

AYON

BOY TOPAK

BRGY

ISANG

NABATID

NINOY PARKS AND WILDLIFE

POLICE SAFETY OFFICER

TANDANG SORA

WILLIE BORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with