MANILA, Philippines - Sugatan ang isang estudyante matapos saksakin ng kaniyang matalik na kaibigan makaraang magtalo ang mga ito habang nag-iinuman sa Marikina City, kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang biktima na si Joseph Daryl Berbano, 22, ng Tandang Sora St., Parang, Marikina City bunsod nang tinamong saksak sa katawan.
Agad namang sumuko sa mga awtoridad at sising-sisi sa kanyang ginawa ang suspek na si Emmanuel De Guia, 22, na residente rin ng naturang lugar. Naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktima.
Nauna rito, nagkakasayahan umano ang dalawa at iba pa nilang kaibigan habang nag-iinuman, nang magkapikunan ang mag-best friend at sa gitna ng pagtatalo ay bigla na lamang bumunot ng balisong ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima. Inihahanda na ang kaso laban sa suspect.