^

Metro

Stude tinarakan ng best friend

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang estudyante matapos saksakin ng kaniyang matalik na kaibigan makaraang magtalo ang mga ito habang nag-iinuman sa Marikina City, kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang biktima na si Joseph Daryl Berbano, 22, ng Tandang Sora St., Parang, Marikina City bunsod nang tinamong saksak sa katawan.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad at sising-sisi sa kanyang ginawa ang suspek na si Emmanuel De Guia, 22, na residente rin ng naturang lugar. Naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktima.

Nauna rito, nagkakasayahan umano ang dalawa at iba pa nilang kaibigan habang nag-iinuman, nang magkapikunan ang mag-best friend at sa gitna ng pagtatalo ay bigla na lamang bumunot ng balisong ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima. Inihahanda na ang kaso laban sa suspect.

vuukle comment

BIKTIMA

EMMANUEL DE GUIA

INIHAHANDA

JOSEPH DARYL BERBANO

MARIKINA CITY

NAGANAP

NAKILALA

NAUNA

SUGATAN

TANDANG SORA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with