Nagtalo sa pasahe, pasahero tinarakan ng driver

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang lalaki matapos itong saksakin ng isang pedicab driver makaraang magtalo sa pamasahe sa Navotas City kahapon ng umaga. Nakilala ang biktima na si Bernardo Agbayani, 32, ng Brgy. NBBS ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman sa detention cell ng Navotas City Police ang suspek na si Joel Libanan, 20, pedicab driver at naninirahan din sa naturang lugar na agad na naaresto ng mga awtoridad. Naganap ang insidente dakong alas-2 ng umaga sa Sitio Sto. Niño, Road 10, Navotas City nang sumakay sa pedicab ng suspek ang biktima at nang bumaba ito sa kanyang pupuntahan ay siningil ito ng malaki ng una.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa bunutin ng suspek ang dalang patalim at agad na tinarakan sa dibdib ang biktima saka mabilis na tumakas.

Show comments