Pulis timbog sa droga

MANILA, Philippines - Arestado ng kanyang mga kabaro ang isang pulis na nakatalaga sa Eastern Police District (EPD) matapos itong makumpiskahan ng shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa kamakalawa sa Taguig City.

Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si SPO4 Rustico Sacramento.

Nabatid na nakatanggap ng intelligence report ang pulisya hinggil sa ilegal na gawain ng suspek dahilan upang maglunsad ng buy-bust operation ang mga ope­ratiba ng PNP-Anti-Illegal Drugs Operation Task Force (PNP-AIDSOTF) laban dito.

Naging positibo ang ope­rasyon ng mga pulis laban sa kanilang kabarong si Sacramento na nagresulta sa pag-aresto dito. Nakumpiska sa pulis ang 14 na plastic sachet ng shabu at ang mark money na ginamit ng mga pulis sa operasyon.

Show comments