^

Metro

Matapos kalasan ng syota: 16-anyos na binatilyo naglason

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Matapos kalasan ng nobya, nagpakamatay sa pamamagitan nang pag-inom ng silver cleaner ang isang 16-anyos na college student kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Insp. Armand Macaraeg, nakiusap ang pamilya ng biktimang si Lester­ Domingo, 1st year computer student ng Datamex at residente ng F. Varona St., Tondo, Maynila na huwag nang imbestigahan ang kaso at naniniwala silang nagpakamatay ito.

Nabatid na dakong alas- 7:00 ng gabi nang madiskubre ng kaniyang inang si Heide ang anak na nakahandusay sa loob ng kanilang banyo na may katabing isang bote ng Red Horse beer na hinihinalang pinaglagyan ng silver cleaner at maikling suicide note.

Isinugod siya ng magulang sa Mary Jhonston Hos­pital subalit bigo nang ma­isalba pa ang buhay nito.

Ayon sa pamilya, masamang-masama ang loob ng biktima dahil sa pakikipag-break ng nobyang si “Baby” na posibleng dahilan upang magpakamatay ito.

Isa umanong suicide note ang iniwan ng biktima na nagsasabing humihingi ito ng patawad sa mga magulang sa kanyang ginawa.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

AYON

DATAMEX

DOMINGO

HEIDE

ISA

MARY JHONSTON HOS

MAYNILA

RED HORSE

VARONA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with