2 carnap vehicle, narekober
MANILA, Philippines - Dalawang pinaniniwalaang kinarnap na sasakyan ang narekober ng mga operatiba ng Quezon City Police sa magkakahiwalay na lugar makaraang iabandona ng mga tumangay nito kahapon. Ayon sa ulat ng District Anti-Carnapping Unit ng QCPD, ang mga narekober ng sasakyan ay ang Toyota Lite Ace van (PLX-138) at kulay silver na Honda Hunchback (TNT-775).
Sa pagsisiyasat, unang narekober ng pulisya ang Toyota Lite Ace sa may Brgy. Apolonio Samson ganap na alas-12 ng madaling-araw. Patuloy pang inaalam ng mga pulis kung sino ang may-ari ng naturang sasakyan.
Samantala, ganap na alas-10:30 naman ng umaga nang matagpuan ang Honda Hunchback sa panulukan ng Judge Juan Luna at Elijano Sts., Brgy. San Antonio sa lungsod.
Nabatid na nakikipag-ugnayan na sa pulisya ang may-ari ng sasakyan na si Fidel Anunuevo ng Teachers Village, Quezon City.
Sa salaysay umano ni Anunuevo, kinarnap ang kanyang sasakyan noong March 30 sa harap ng kanyang bahay sa pagitan ng alas-3 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.
- Latest
- Trending