^

Metro

Kinardyak na SUV ng COA chairman, narekober

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Narekober ng mga tauhan ng Parañaque City Police ang kinarjack na mamahaling sports utility vehicle (SUV) na tinangay mismo kay Commission on Audit chairman Reynaldo Villar sa BF Homes, ng naturang lungsod.

Sa ulat na ipinadala ng Parañaque police, dakong alas-4:30 ng Miyerkules ng hapon nang matagpuan ng mga pulis ang inabandonang puting Toyota Fortuner (ZRV-924) sa may F. Cruz, Aguirre Avenue, BF Homes Sub­division, sa naturang lungsod.

Nasa kustodiya na nga­yon ng Parañaque police ang naturang behikulo kung saan ipinaalam na kay Villar ang pagkakarekober nito.

Sa kabila nito, bigo naman ang pulisya na maha­bol at maaresto ang nag-iisang carjacker na maaaring naalarma at natakot nang ma­batid na isang mataas na opisyal ng pamahalaan ang kanilang nabiktima kaya inabandona ang sasakyan sa naturang lugar din kung saan isinagawa ang krimen.

Matatandaan na kagaga­ling lamang sa isang restoran sa Aguirre St., BF Homes ni Villar dakong alas-10:30 ng Mar­tes ng umaga nang itulak ito papasok sa naturang sasak­yan ng nag-iisang suspek at inutusan pa siya na ima­neho ang behikulo. Ibi­naba si Villar ng suspek hindi kalayuan bago tinangay ang sasakyan.

Nabatid na naiwan ni Villar­ sa loob ng behikulo ang P80,000 cash, camera at ilang mamahaling Barong Tagalog na hindi pa mabatid kung narekober din ng mga pulis.

AGUIRRE AVENUE

AGUIRRE ST.

BARONG TAGALOG

CITY POLICE

CRUZ

HOMES SUB

IBI

REYNALDO VILLAR

SHY

TOYOTA FORTUNER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with