^

Metro

2 gang member na napatay, sangkot sa iba't ibang kaso

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patung-patong na kaso at labas pasok sa bilangguan ang dalawang  miyembro ng  “Tear-Drops” at “Sputnik” gang na nabaril at napatay ng isang pulis sa loob ng  presinto matapos na mang-agaw ng  baril kamakalawa ng  madaling-araw sa Sta. Ana, Maynila.

Sa panayam kay Manila Police District-Sta. Ana Police Station chief,  Supt. Ricardo Layug, bukod sa  kasong attempted murder na isinampa ng biktimang si Exequiel Brown, sina Ruzzel Tacsagon at Jeffrey Campo­sano ang itinuturong pumatay sa isang Edward Pedrosa, noong Pebrero 4, 2011 sa kahabaan ng Eloriaga St., Sta. Ana, Maynila.

 Ang dalawa ay sangkot din sa serye ng holdapan at drug pushing.

Sinabi ni Layug na ipi­nagmamalaki pa umano ng dalawa na ang bilang ng tattoo sa kanilang mukha ay bilang ng tao na kanila nang napapatay.

Kasabay nito, suportado rin ni Layug ang gi­na­wa ni  PO3 Erwin Cortez Salanio na barilin sina  Tacsagon at Camposano sa posibilidad na mada­may pa ang ibang  sibilyan na iniimbesti­gahan sa presinto.

Matatandaan na dinakip ang dalawa dahil sa reklamo ni Brown subalit nahulihan din ang mga ito ng marijuana hang­gang sa dalhin sa presinto.

Dito na inagawan ng dalawa ng baril si  PO1 Jose Jesus Buena Martirez, kung kaya’t napilitan namang  sumaklolo si Salanio at nabaril ang dalawang suspect.

ANA POLICE STATION

EDWARD PEDROSA

ELORIAGA ST.

ERWIN CORTEZ SALANIO

EXEQUIEL BROWN

JEFFREY CAMPO

JOSE JESUS BUENA MARTIREZ

LAYUG

MANILA POLICE DISTRICT-STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with