^

Metro

Mag-asawa kritikal sa pamamaril

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kapwa nasa kritikal na kondisyon ang isang mag-asawa makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakilalang salarin na hinihinalang mga holdaper habang naglalakad pauwi ng bahay, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang mga biktima na sina Ebarsildes Advincula, 62, at 46-anyos nitong misis na si Luzviminda, kapwa naninirahan sa Lawaan St., ng naturang lungsod. Nagtamo ang babae ng tama ng bala sa ulo habang sa katawan naman ang mister nito.

Sa ulat ng Pasay police, kapwa naglalakad sa Kamagong St. ang mag-asawa dakong alas-8:30 ng gabi nang harangin ng dalawang salarin at tinangkang hablutin ang shoulder bag ni Luzviminda na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng salapi na kita nito sa negosyong RTW (Ready to Wear).

Posible umanong nanlaban ang mag-asawa kaya pinagba­baril ang mga ito ng mga salarin bago mabilis na tumakas.               Baga­ma’t pagnanakaw ang tinitingnang motibo ng pulisya, hindi rin inaalis na negosyo ang dahilan ng tangkang pagpatay. 

EBARSILDES ADVINCULA

KAMAGONG ST.

KAPWA

LAWAAN ST.

LUZVIMINDA

NAGTAMO

NAKILALA

PASAY

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with