May sakit sa puso, nagbigti sa balon

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding daing hinggil sa hindi makayanang sakit sa puso, isang lalaki ang nagbigti sa isang balon   sa likod ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon. Nakilala ang nasawi na si Samuel Toledo, 49, ng Phase 7-B, Package 2, Block 62, Excess Lot, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod. Dakong alas-10:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabigti sa loob ng kanilang balon. Gumamit ang biktima ng isang nylon cord na itinali nito sa kahoy sa gilid ng balon habang ang kabilang dulo naman ay ipinulupot nito sa kanyang leeg bago tumalon sa loob ng balon na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Nabatid na ilang araw na umanong napapansin na walang imik si Toledo at palagi na lamang nitong iniinda ang kanyang sakit sa puso hanggang sa makita itong walang buhay.)

Show comments