^

Metro

Libreng sakay ng LTFRB, pantapat sa welga ng PISTON

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Magkakaloob ng libreng sakay ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) para ipantapat sa nakaambang tigil pasada ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na ikinasa sa Huwebes, Marso 31.

Ayon kay Sonia del Mundo, tagapagsalita ng LTFRB, nga­yon pa lamang ay nakikipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa Metro Manila Development Authority (MMDA), local government units (LGUs) at AFP para ihanda ang mga government vehicle na aayuda sa panahon ng transport strike ng Piston.

Sinabi pa ni del Mundo na hindi masyadong mapapa­ralisa ang transportasyon sa planong tigil pasada dahil may alternatibong sasakyan pa ang mga commuter gaya ng bus, taxi at mga FX.

Una nang nagbanta ng welga ang Piston sa Huwebes upang ipakita sa pamahalaang Aquino ang matinding pagkondena sa kawalang aksiyon ng pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na lubhang nagpapahirap sa mamamayan.   

AQUINO

AYON

HUWEBES

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MAGKAKALOOB

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MUNDO

OPERATORS NATIONWIDE

PINAGKAISANG SAMAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with