^

Metro

2 sugatan sa stampede

- Ludy Bermudo, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawa ang bahagyang nasugatan makaraang magkaroon ng “stampede” sa loob ng isang bagon ng Light Rail Transit (LRT) nang umusok ang hulihang bahagi nito, kahapon ng umaga sa lungsod ng Maynila.

Pansamantalang binigyan ng paunang lunas sa “medical clinic” ng LRTA ang mga biktimang inisyal na kinilalang sina Caroline Santos at Jennylyn Hagmit, na nagtamo ng mga sugat nang sumabit ang katawan sa binasag na salamin ng tren.

Sa pahayag ni Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, nagkaroon ng problemang teknikal ang “disc brake system” sa hulihang bagon ng kanilang tren dakong alas-8:35 kahapon ng umaga sa may United Nations Avenue station.

Nabatid na galing sa Central Terminal ang tren at patungong Baclaran, Pasay City nang umusok ang hulihang bagon at maka­amoy ng mabaho ang mga pasahero. Nagkagulo ang mga natakot na pasahero na nag-unahan sa paglabas ng tren. Ilan umano sa mga pinto ay hindi agad nagbukas kaya binasag ng ilang pasahero ang salaming bintana at dito dumaan.

Dahil sa pagtutulakan, nasugatan ang dalawang biktima habang ilan pang mga babae, bata at maging mga matatanda ang nasaktan. Tiniyak naman ni Cabrera na sasagutin ng LRTA ang gas­tusing medical ng mga biktima habang isinasailalim na sa imbestigasyon ang sanhi ng naturang problemang teknikal.

BACLARAN

CABRERA

CAROLINE SANTOS

CENTRAL TERMINAL

HERNANDO CABRERA

JENNYLYN HAGMIT

LIGHT RAIL TRANSIT

PASAY CITY

UNITED NATIONS AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with