^

Metro

Pagiging 'notorious market' ng Quiapo, insulto - Manila dads

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Malaking insulto umano ang lumabas na U.S. report na binabansagang ‘notorious market’ ang Quiapo bunsod ng mga nagkalat na pekeng bilihin at maging ng piniratang DVD.

Ayon kina Manila 3rd District Councilors Atty. Joel Chua at Re Fugoso at sumasakop na distrito sa Quiapo, insulto ito sa kakayahan ng mga government officials at mga konsehal.

Sinabi nina Chua at Fugoso na hindi tamang akusahan ng pagiging talamak na pamilihan ng mga peke at piracy ang Quiapo dahil hindi lamang ang lugar ng Quiapo ang sinisira nito kundi ang buong Maynila.

Nabatid kay Chua na nakakalungkot na ang isa sa mga landmark sa Maynila ay mabansagan ng masama samantalang kumikilos naman ang pamahalaan upang matigil ang mga iligal.

Aniya, dapat din nilang ma­laman kung ano ang pi­nag­batayan ng U.S. report upang magpalabas ng report na nakasisira sa imahe ng lungsod.

Giit naman ni Fugoso, regular naman ang kautusan ni Manila Mayor Alfredo Lim sa Manila Police District na gawin ang lahat ng posibleng paraan upang matukoy ang pagawaan ng mga pekeng kalakal at mga nagma-manu­facture ng mga DVD at CD.

Kasabay nito, sinabi Manila Vice Mayor Isko Moreno na kailangan din ang tulong ng Optical Media Board (OMB) na may direktang   responsibilidad upang masawata ang piracy at Depart­ment of Trade and Industry (DTI) at mga pulis upang matigil na ang bentahan ng mga pekeng gamit tulad ng bag, damit at maging ang ‘cytotec’ o abortion pills.

Kadalasan umanong nagi­­ging ningas-kogon at pakitang tao lamang ang operasyon laban sa piracy at sa bentahan ng mga pekeng bag, damit at sapatos kung kaya’t patuloy pa rin ang ilang vendor sa pagtitinda.

Napag-alaman naman kay MPD Station 3 commander, Supt. James Afalla, walang direktang memorandum para sa kanila na maaaring magsagawa ng operasyon anumang oras upang madakip ang mga nami­mirata ng mga DVD gayundin ang pagsalakay sa bodega ng mga negos­yante, hindi tulad ng NBI na anumang oras ay maaaring magsagawa ng raid.

Naniniwala si Afalla na kung magkakaroon ng memo­randum mula sa OMB na deputize ang mga ito na su­malakay, mas magiging ma­dali sa kanila ito hanggang sa tuluyang matapos ang piracy at counter­feiting sa Quiapo.   

CHUA

DISTRICT COUNCILORS ATTY

FUGOSO

ISKO MORENO

JAMES AFALLA

JOEL CHUA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with