^

Metro

Binata sinamurai ng kapitbahay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa larong cara y cruz, isang binata ang na­patay matapos pagtatagain ng samurai ng kanyang kapitbahay na kalaro sa sugal sa Bambang St., Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Bukod sa nahiwalay na kanang kamay, may taga din sa katawan ang biktimang si Michael Manalo Mangalino, 22, ng Bambang St.,Tondo, Maynila.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang Manila police para madakip ang mga suspect na sina Dencio Babon, Owey Maramias at Nognog Rodelio Saclo Jr., na pawang mga nakatira sa naturang lugar.

Dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa eskinita ng Yakal at Quiricada Sts., sa na­sabing lugar.

Sinabi ng kaanak ng biktima na si Angel, nagising siya dahil sa narinig na ingay sa tapat ng kanilang bahay kung saan naka­burol umano ang kaniyang tiyo.

Nang bumaba siya ay nakitang nag-aaway na ang biktima at isa sa suspect na si Babon dahil sa cara y cruz.

Naawat umano ni Maramias ang biktima at Babon at biglang umalis si Saclo at sa pagbalik ay may dala ng samurai at hinabol ang biktima. Nakialam na si Maramias at pinalo ng mahabang bangko ang biktima kaya bumagsak at sinamantala ni Saclo na ihalihaw ang samurai at sa kaiilag ay nahiwalay ang kanang kamay nito. Matapos ito ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

vuukle comment

BABON

BAMBANG ST.

DENCIO BABON

MARAMIAS

MAYNILA

MICHAEL MANALO MANGALINO

NOGNOG RODELIO SACLO JR.

OWEY MARAMIAS

QUIRICADA STS

SACLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with