2 preso pumuga sa DACU
MANILA, Philippines - Dalawang preso sa District Anti-Carnapping Unit ng Quezon City Police sa Camp Karingal ang nakapuga sa loob ng kanilang tanggapan sa magkahiwalay na pagkakataon dito, ayon sa ulat kahapon. Ang mga tumakas ay kinilalang sina Nelson Barrientos, 49, tubong Cagayan de Oro; at Donie Tapay ng Brgy. Pasong Tamo Quezon City.
Agad namang ipinag-utos ni Supt. Benjardi Mantele ang agarang pagtugis laban sa mga suspect ilang araw makaraan ang pagkawala ng mga ito noong Marso 15 at Marso 18. Sinasabing nakarating sa kaalaman ni Mantele ang pagtakas nito lamang Huwebes.
Ayon sa ulat, unang nakapuga sa nasabing tanggapan si Barrientos matapos na maaresto noong Marso 15 dahil sa kasong carnapping ganap na alas-10:30 ng umaga. Diumano, nagawang makapuga ni Barrientos makaraang isang preso na si Ricardo Ocampo ay nakiusap kay PO2 Dennis Telen na magpunta sa comfort room para maliligo at pabantayan naman ito sa una.
Samantala, nakatakas naman si Tapay noong Marso 18, ganap na alas-5 ng hapon matapos maaresto dahil sa pagnanakaw ng accessories ng isang carnap ng Honda Civic HCP-1110 sa may bahay nito.
- Latest
- Trending