Laser gun gagamitin vs pasaway na drivers
MANILA, Philippines - Gagamit ang Quezon City government ng speed laser gun, isang sophisticated speed enforcement tool na makakatulong sa pagdetermina ng paglabag sa trapiko ng mga motorista partikular ng mga sasakyang humahagibis sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa QC.
Sinabi ni QC -Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Elmo San Diego na napapanahon na para magkaroon ang QC ng sariling hi-tech equipment upang masukat ang bilis ng takbo ng mga sasakyan na dadaan sa mga pangunahing lansangan sa lungsod na madalas ang aksidente partikular sa Commonwealth Avenue na tinaguriang ‘killer highway’.
Ayon kay San Diego ang hakbang ay higit na magpapahusay sa pagpapatupad ng batas trapiko sa lungsod.
Sa no contact policy ipinatutupad ng MMDA sa Commonnwealth, ang mga pasaway na driver ay bibigyan ng notice ng mula sa tape na nai-record sa lansangan hinggil sa uri ng nilabag nitong batas trapiko, halaga ng multa ng ginawang kasalanan.
Kapag hindi nabayaran ang penalty, ang sinumang motorista ay tatanggap ng second notice at kapag hindi pa rin ito nabayaran ay ilalagay na sa alarma ng LTO ang pasaway na driver at hindi ito makakapag-renew ng lisensiya bukod sa hindi mairerehistro ang minamaneho nitong sasakyan.
- Latest
- Trending