MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Manila police ang tatlong kabataang miyembro ng fraternity matapos mapatay ang isang 19-anyos na lalaki sa naganap na sagupaan ng magkalabang fraternity noong Martes ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang mga nadakip na sina Tolentino Santos, 19; Arnel Jio, 17 at si Edison dela Paz, 21, pawang mga miyembro ng Loyola and Marquitos Hood Gang.
Ang tatlo ay kabilang sa may 30-miyembro ng Loyola and Marquitos Hood Gang na nakasagupa at nakarambulan ng Istomo Youngters Gang na kinabibilangan ng nasawing biktima na si Henry Carpio sa naganap na rambol.