^

Metro

Seaman utassa riding in tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Butas ang mukha ng isang seaman makaraang pagbabarilin ng riding in tandem   sa harap mismo ng kanyang tahanan sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ni PO2 Loreto Tigno, ang biktima na si Rommel Depositario, 23, ng FF Extension, Sitio Mabilog, Brgy. Culiat, Quezon City.

Ayon kay Tigno, dead on the spot sa lugar ang biktima dahil sa dalawang tama ng bala sa mukha matapos ang pamamaril na naganap dakong alas-5:15 ng hapon sa harap ng kanyang bahay.

Ayon sa testigo, ang mga suspect na sakay ng Suzuki 125 Shogun na natatakpan ang plaka ay mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril. Tanging ang back rider lamang umano ang may dala ng baril at natatakpan rin ng tela ang mukha.

Napag-alaman na kasa­lu­kuyan umanong nakikipag-kwentuhan ang biktima sa mga kaibigang sina Aladin Uzman at Herbet Lima nang sumulpot ang mga suspect at pagbaba­rilin ang una ng malapitan saka mabilis na tumakas patungong Tandang Sora.

Nabatid ng pulisya sa kapa­tid ng nasawi na nakilalang si Liza na bago ang insi­dente ay ipinagtapat umano sa kanya ng kapatid na may girlfriend itong taga Bataan na madalas na humihingi ng pera sa tuwing magkikita sila sa Cubao.

Nitong Sabado lang anya ay nagkita ang biktima at syota nito sa Cubao, subalit nagalit umano ang babae ng araw na yon dahil hindi naibigay ng kanyang kapatid ang hinihingi nitong P3,000.

ALADIN UZMAN

AYON

CUBAO

HERBET LIMA

LORETO TIGNO

NITONG SABADO

QUEZON CITY

ROMMEL DEPOSITARIO

SITIO MABILOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with