^

Metro

QC magkakaroon ng sariling drug test lab

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Magkakaroon na rin ng sariling drug test laboratory ang Quezon City Hall sa loob ng compound nito.

Ayon kay QC Vice Mayor Joy Belmonte, naglaan ang pamahalaang lungsod ng halagang P500,000 para rito at inaasahang sa loob ng tatlong buwan ay mapapakinabangan na ito ng mga taga-lungsod, gayundin ng mga QC students na kailangang sumailalim sa random drug testing ng Department of Education.

Si Belmonte, na siya ring chairperson ng QC Anti-Drug Abuse Coordinating Advisory Council (QCADACAC) ang siyang mangangasiwa sa proyektong ito.

Kapag naitayo na ang proyekto, ang QC ang magiging kauna-unahang lokal na pamahalaan na magkakaroon ng sariling drug test laboratory.

Sa ngayon ang QCADACAC ay nagha-hire ng medical technologists at nurses para makopo ang kailangang staff requirements ng drug testing center ng QC.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

DRUG

DRUG ABUSE COORDINATING ADVISORY COUNCIL

KAPAG

MAGKAKAROON

QUEZON CITY HALL

SI BELMONTE

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with