Dalaga natusta sa sunog
MANILA, Philippines - Nalitson ang isang dalaga makaraang masunog ang inuupahan nitong bahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Halos hindi na makilala sanhi ng matinding pagkasunog ang biktimang si Marites Jose, 31, ng Maybell Subdivision, Brgy. Llano ng nasabing lungsod. Base sa isinagawang imbestigasyon ni SFO4 Randy Resureccion ng Caloocan City Fire Department, dakong ala-1 ng madaling-araw nang bigla na lamang magliyab ang bahay ng biktima. Sa inisyal na ulat, posibleng sa napabayaang kandila nagsimula ang sunog. Dahil sa gawa lamang sa light materials ang bahay ng biktima kaya’t mabilis itong nilamon ng apoy hanggang sa natupok.
- Latest
- Trending