LPG depot ng Petron station, nag-leak
MANILA, Philippines - Naudlot ang nakatakdang final exam ng may 500 nursing students ng Family Clinic-Nursing School nang mag-leak ang LPG depot ng Petron gasoline station, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.
Dakong alas-11 ng umaga nang rumesponde at agad masawata ng mga tauhan ng Manila Fire Department ang nasabing insidente na posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan at pagmulan ng sunog.
Binomba ng tubig ang LPG leak sa kabuuang 50 feet sa paligid ng Petron gasoline station sa panulukan ng AH Lacson Avenue at Aragon St. sa Sampaloc.
Agad namang nilikas ang mga nasa loob ng katabing Family Clinic Incorporated Colleges at agad nang kinansela ang pasok at eksaminasyon.
Pansamantalang isinara sa motorista ang kalsada patungong Quiapo dahil maaaring magdulot ng spark o pagsabog sa leak ng LPG ang umaandar na makina ng mga sasakyan.
- Latest
- Trending