Mataas pang opisyal ng pulisya, dawit sa nawawalang ransom money

MANILA, Philippines - May mataas pa umanong opisyal ng pulisya ang po­sib­leng sangkot sa pagkawala ng bahagi ng nawawalang ransom money sa dinukot na Ma­laysian trader sa Maynila kamakailan.

Sinabi ni Manila Mayor Alfredo Lim na may mas ma­taas pang opisyal maliban sa limang pulis na nauna nang inaresto ang kasalukuyang iniimbestigahan sa nawawalang P10.6 milyon ransom money.

Ayon sa alkalde, sinabi sa kanya ng prosecutor na may hawak ng kaso na binanggit ni Sr. Insp. Peter Nerviza, na kay Station 5 Commander Col. Felipe Cazon, Jr. nito ibi­nigay ang narekober na pera matapos ang kanilang follow-up ope­ration sa Ri­viera Mansion na ikinadakip ng walong suspect. 

Subalit sinabi ni Cazon na alas-12:45 na ng mada­ling- araw nang dumating ang mga pulis na sina Nerviza, hepe ng WPD-Sta. 5 Anti- Crime Unit; SPO3 Ernesto Peralta; PO3 Jefferson Britanico; PO3 Mike Ongpaoco Fabia at PO1 Rommel Santos Ocampo na noon lamang itinurn-over ang pera.

Naniniwala naman ang isang opisyal sa Manila City Hall na hindi lamang iisang mataas na opisyal ang dawit sa nawawalang ransom kundi dalawa hanggang tatlo.

Show comments