^

Metro

'Pabigat' sa pamilya, kelot nagbigti

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang 31-anyos na lalaki dahil umano sa nararamdamang pabigat siya sa kanyang mga magulang dahil sa kawalan ng trabaho sa kabila ng may tatlo itong anak at hiwalay sa asawa sa San Andres, Malate, Maynila.

“Kuya Jun, patay na ako, hindi na ako pabigat kila mommy, hingi mo na lang ako ng sori. Mahal ko kayong lahat lalo na ang mga anak ko, ’wag n’yong ipakita sa ibang tao ang bangkay ko, kung ibuburol ninyo ako nakatakip lang pakiusap ko ’yan. Salamat sa lahat”.

Ito ang nilalaman ng suicide note na iniwan ni Rommel Grafil, 31, ng San Andres St., Malate, Maynila matapos matuklasan ang bangkay nito sa loob ng kanilang bahay, dakong alas-8:30 ng gabi, kamakalawa nang katukin para maghapunan.

Sa impormasyong ibi­nigay ng pamangkin na si Rafael Grafil, posibleng dahil din sa matinding pag-aaway sa pagitan ng girlfriend nito kaya lalong na-depressed sa buhay ang biktima.

May tatlo umanong anak ang biktima na hiwalay sa asawa at walang trabaho at nakasandal lamang silang mag-aama sa pamilya.

vuukle comment

AKO

KUYA JUN

MAYNILA

NAGPAKAMATAY

RAFAEL GRAFIL

ROMMEL GRAFIL

SAN ANDRES

SAN ANDRES ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with