^

Metro

Presyo ng gasolina bababa, diesel tataas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Inaasahang bababa ang presyo ng gasolina sa susunod na linggo, pero tataas naman ang presyo ng diesel.

Ito ay ipinahayag   ng Energy Department (DOE), bagama’t wala pa namang abiso ang mga kompanya ng langis.

Ayon kay DOE Undersecretary Jose M. Layug, dahil aniya sa pagbaba umano ng presyo ng gasolina sa pangdaigdigang merkado, inaasahan ang rollback, ngunit   hindi naman umano ito gaanong malaki.

Habang ang diesel ay patuloy naman umanong tataas dulot ng pagtaas sa demand ng fuel pro­duct.

Magugunita na nitong mga nagdaang linggo ay sunod sunod ang pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.

Sa kasalukuyan ang presyo ng diesel ay nag­lalaro mula P44-45 kada litro habang ang gasolina naman ay nasa P54-55 kada litro.

AYON

DIESEL

HABANG

INAASAHANG

LAYUG

MAGUGUNITA

PRESYO

UNDERSECRETARY JOSE M

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with