Kidnaper timbog, 2 batang dinukot nailigtas

MANILA, Philippines - Arestado ang isang kidnapper matapos mamataan at masakote ng pulis habang sakay nito ang dalawang batang kanyang biktima kahapon ng umaga sa Malabon City.

Nakilala ang suspek na si Armando Herrera, 34, ng Santa Monica, Balubaran, Valenzuela City.

Sa report ng Malabon City Police, dakong alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Crisina St., Brgy. Panghulo ng nabanggit na siyudad habang nagpapatrulya ang mga kagawad ng Malabon City Police sa nabanggit na lugar nang mamataan ng mga ito na sakay ng suspek ang isang batang lalaki na nasa 9-anyos ang edad at isang 13-anyos na batang babae.

Nabatid na umiiyak ang dalawang bata na naging dahilan upang lapitan ng mga pulis.

Hindi na nakatakbo ang suspek nang magsalita ang mga bata na hindi nila kilala si Herrera na naging dahilan upang dalhin sa presinto ang lalaki.

Sampung bata pa ang nagpunta sa pre­sinto at positibong itinuro ang suspek na siyang nagtangkang tumangay sa mga biktima sa magkakahiwalay na lugar at insidente.

Show comments