^

Metro

LTFRB may bago ng hepe

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nagtalaga na ang Department of Transpor­tation and Communications (DOTC) ng bagong Chairman ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB).

Si DOTC Assistant Secretary for administrative and legal affairs Raquel Desiderio ay itinalaga ng DOTC bilang LTFRB OIC para pansamantalang palitan sa puwesto si LTFRB Chairman Nelson Laluces na may halos isang buwan nang hindi pumapasok sa kanyang opisina dahil sa problema sa kanyang kalusugan.

Sinasabing ang hindi pagpasok ng ilang linggo ni Laluces ay nagdulot ng pagkaantala ng pag­­poproseso sa mga do­ku­­­mento sa naturang tang­­gapan bunga ng ka­kulangan ng bilang ng LTFRB board na umaksiyon sa mga transaksiyon sa ahensiya may kinalaman sa prangkisa ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa.

Bagamat sina boardmember Atty. Manuel Iway at Engr. Samuel Garcia ay maaaring magpasa ng resolusyon sa ahensiya kahit wala si Laluces, nagkataon namang maging si Iway ay nagkaroon ng sakit at hindi rin makapasok sa opisina.

Kaugnay nito, magda­dalawang linggo nang naka-bakasyon si LTO Chief Virginia Torres ma­karaang magtungo ng Ma­ lakanyang kamakailan.

Wala namang ulat kung ang pagkawala ni Torres sa kanyang opisina ay bunga ng panawagan ng Justice Department na suspendihin si Torres dahil sa umanoy pakikipag sabwatan nito sa Stradcom take over noong Disyembre.

Si LTO Exec Re­dentor Reyes ang pan­samantalang umaaktong LTO Chief sa ngayon.

ASSISTANT SECRETARY

CHAIRMAN NELSON LALUCES

CHIEF VIRGINIA TORRES

DEPARTMENT OF TRANSPOR

EXEC RE

JUSTICE DEPARTMENT

LALUCES

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

MANUEL IWAY

RAQUEL DESIDERIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with