^

Metro

Shoot to kill order, idinepensa

-

MANILA, Philippines - Idinepensa kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim ang kanyang ipinalabas na shoot to kill order laban sa limang pulis Maynila, matapos na punahin ni Justice Secretary Leila de Lima.

Ayon kay Lim, naniniwala siyang hindi paglabag sa human rights ang kanyang kautusan dahil ipatutupad lamang ang shoot to kill kung nanlaban ang mga pulis na sangkot.

Sinabi ni Lim na pulis kapwa pulis ang magiging magkalaban at posibleng mamiligro ang buhay ng isang tao kung kaya’t binigay niya ng shoot to kill order sa mga arresting officers at imbestigador.

Kasabay nito, “no comment” naman si Lim hing­gil sa pahayag ni de Lima na ang kanyang order ay parang “Wild Wild West” na ipinatupad noong American Era kung saan ang mga cowboys ang nagtatakda ng batas.

Samantala, walang nakikitang problema ang NAPOLCOM sa pagpapalabas ng “shoot to kill order­” ni Mayor Lim laban sa limang pulis na dawit­ sa nawawalang ransom money.

Sinabi ni Napolcom Vice-chairman at executive officer Eduardo Escueta na ang naturang termino­ ay upang idiin lamang ang panganga­ilangan na maresolba agad at pagiging seryoso ng kaso upang matauhan ang mga nagtagong pulis.

Matatandaan na dahil sa takot sa “shoot to kill order”, agad na lumutang at sumuko sina Sr. Insp. Peter Nerviza, SPO3 Ernesto Peralta, PO3 Jef­ferson Britanico, PO3 Mike Ongpauco at PO1 Rommel Ocampo. (Doris Franche at Danilo Garcia)

AMERICAN ERA

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

EDUARDO ESCUETA

ERNESTO PERALTA

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYOR LIM

MIKE ONGPAUCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with