^

Metro

Presyo ng gasolina muling tumaas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tulad ng pangakong linggu-linggong pagtataas, muling nag­patupad kahapon ang mga kompanya ng langis ng panibagong pagtataas sa kanilang mga produktong petrolyo kung saan ikinakatwiran pa rin ang patuloy na krisis sa Gitnang Silangan.

Dakong alas-12:01 ng hating­gabi nang magpatupad ng P.50 sentimos sa kada litrong pagtataas sa premium at unleaded gasoline, P.60 sentimos sa diesel at P.30 sa regular gasoline at kerosene.

Sinundan naman ito ng Chevron Philippines na nagtaas din ng kahalintulad na mga presyo sa katulad na produkto dakong alas-6 ng umaga. Sa kabila naman ng hindi na nag-aanunsyo sa media, inaasahan na susunod din sa naturang pagtataas ang Petron Corporation.

Kapwa ikinatwiran nina Roberto Kanapi at Toby Nebrida, mga tagapagsalita ng Shell at Chevron, ang patuloy umanong pag-angkat nila ng mataas na halaga ng langis na bunga ng patuloy na kaguluhan sa mga bansang nagpo-prodyus­ ng langis. Ito ang ika­apat na beses na pagtataas na ipinatutupad na ng mga kumpanya ng langis ngayong buwan.

CHEVRON PHILIPPINES

DAKONG

GITNANG SILANGAN

KAPWA

PETRON CORPORATION

ROBERTO KANAPI

SINUNDAN

TOBY NEBRIDA

TULAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with