PUP nagsuspinde ng klase sa nuclear radiation scare

MANILA, Philippines - Nagdulot ng   panic sa mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang balitang kumalat na radioactive clouds na tatama sa Pilipinas kahapon sa oras na umulan kaya’t nagpasiya na ang pamunuan ng paaralan na pauwiin na lamang ang mga estudyante.

Sinabi ni PUP President Dr. Dante Guevarra, bandang alas-2 ng hapon nang magdesisyon silang pauwiin na ang lahat ng estudyante ng pamantasan para na rin sa ikakapanatag ng loob ng kanilang magulang.

Sinabi naman ni Dr. Devina Pasumbal, ng PUP Public Affairs Office, inuulan ng tawag ang kanilang tanggapan mula sa mga magulang ng mga estudyante.

Bagamat alam umano ng pamunuan ng PUP na walang kumpirmasyon sa nasabing text scare, naglabas na sila ng class suspension at maging ang mga panggabing klase ay hindi na magsipasok at para na rin sa ikapapanatag ng mga magulang.

Tinatayang nasa 65-libo ang mga estudyante ng PUP sa iba’t ibang campus ang hindi na nagklase kahapon.

Show comments