^

Metro

Bangkay lumutang sa fishpond

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay na nang lumutang kahapon ng umaga ang isang trabahador ng isang fish pond makarang tangayin ng malakas na alon sa laot ng Laguna de Bay nitong nakaraang Huwebes sa Muntinlupa City.

Kinilala ng mga kaanak ang bangkay na si Fredelito Hermida, 45, naninirahan sa Purok 2, Brgy. Cupang, ng naturang lungsod.

Nabatid na lulan si Hermida ng bangkang de motor sa laot nang masiraan sila ng makina dakong ala-1 ng hapon.

Lumusong naman sa dagat ang biktima at su­misid upang alamin kung ano ang sira ng makina. 

Ngunit makalipas ang 10-minuto na hindi pa lumulutang ang biktima ay tumalon na ang kaibigan nitong si Romeo Libosoda ngunit nabigo pa rin ito na makita ang una.

Dakong alas-6:45 naman ng umaga nang ma­kita ang bangkay ng isang lalaki na palutang-lutang sa baybayin ng dagat na nakilalang si Hermida.

vuukle comment

BRGY

CUPANG

DAKONG

FREDELITO HERMIDA

HERMIDA

HUWEBES

KINILALA

LUMUSONG

MUNTINLUPA CITY

ROMEO LIBOSODA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with