^

Metro

Summer job sa mga estudyante sa Navotas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Upang magkaroon ng pagkakakitaan ngayong bakasyon, bibigyan ng trabaho ng pamahala­ang lokal ng Navotas ang mga mahihirap na estudyante bilang bahagi ng pro­grama ng Special Program for the Employment of the Students (SPES) ng nabanggit na siyudad.

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, aabot sa 160 kabataang estud­yante ang mabibiyayaan ng naturang programa na layuning mabigyan ng pagkakakitaan ngayong bakasyon ang mahihirap na mag-aaral.

Magsisimula ang pro­­grama sa April 5 ng taong kasalukuyan kung saan ay dalawang buwang magtatrabaho ang mga estudyante sa iba’t ibang departamento ng city government kabilang na rito ang pagiging clerk, encoders, liaison officers, aides at iba pa.

Makakatanggap ng minimum salary pay ang mga estudyante kung saan ang 40% dito ay mag­mumula sa Department of Labor and Employment (DOLE) habang ang natitirang 60% naman ay mang­ga­galing sa lokal na pamahalaan.

“This program aims to instill in the minds of our young Navoteños the importance and value of hard work and to make use of their vacation constructively. We see to it that only the most needy and qualified will be accepted in the program,” saad pa ni Tiangco.

AYON

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EMPLOYMENT OF THE STUDENTS

MAGSISIMULA

MAKAKATANGGAP

MAYOR JOHN REY TIANGCO

NAVOTAS

NAVOTE

SHY

SPECIAL PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with