2 kelot sinalvage sa Quiapo

MANILA, Philippines - Itinapon ang dalawang bangkay ng lalaking may mga busal sa bibig, may mga sugat sa dibdib at nababalot ng packaging tape ang mga mukha, mga kamay at mga paa sa harapan ng isang pampublikong paaralan, sa San Miguel, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, posibleng pinatay sa ibang lugar at itinapon lamang sa harapan ng Geronimo Elementary School ang mga biktimang inilarawan ang isa sa edad 18-22, bilugan ang mukha, kayumanggi, ba­lingkinitan, nakasuot ng round neck t-shirt na kulay green at may imprentang “I was born lucky” at shorts.

Isa naman ang nakasuot ng round neck na kulay brown t-shirt at may imprentang mukha ni Dr. Jose Rizal, nasa edad 25-30, 4’11’’ ang height at kayumanggi.

Dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang madaanan ng pumapasadang tricycle driver na si Anthony Pajones ang mga nasabing lalaki, na unang inakala ay mga lasing na nakatulog sa daan subalit nang siyasatin ay doon nabatid na pinaslang ang mga biktima.

May mga saksak sa dibdib ang mga biktima. 

Show comments