5 pulis-Maynila tugis sa nawawalang ransom

MANILA, Philippines - Nagsasagawa ng manhunt operations ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) laban sa lima nilang mga kabaro na nakatalaga sa MPD-Station 5 matapos pumuslit umano mula sa kustodiya ng MPD-Ge­neral Assignment Section, habang iniimbestigahan, kamakalawa ng hapon, sa UN Avenue, Ermita, Maynila kaugnay sa nawawalang ransom.

Batay sa ulat, inatasan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim si Ronga­villa na imbestigahan ang malaking halaga ng ransom money na narekober mula sa mga suspect na dumukot sa isang Malaysian national na kinilalang si Eric Sim Chin Tong, na umaabot sa 15 milyong piso bukod pa umano sa P1.3-M na nakuha sa vault ng bik­tima, batay sa pagbubunyag ng mga naarestong suspect na sina Marlon Lopera, Felizardo Gutierrez at Edel Macalinao kay Lim.

Sa halip na ang ma­laking halaga, iprini­sinta lamang ang P4.2-M na bahagi ng ransom money­ kaugnay sa pagkakadakip sa mga suspect sa Riviera Mansion, sa Ermita, Maynila, kung saan narekober umano ang isang maleta na naglalaman ng nasabing halaga.

Kamakalawa, alinsunod sa utos ni Rongavilla kay District Intelligence Division (DID) chief, Supt. Ernesto Fojas, ipinatawag si MPD-Station 5 chief, Supt. Felipe Cazon upang eskortan at dalhin ang limang pulis na sina Sr/Insp. Peter Nervisa, SPO3 Ernesto Peralta, PO3 Jefferson Britanico, PO3 Mike Ongpauco, at PO1 Rommel­ Ocampo para sa imbestigasyon sa nawawalang ransom money­ at iba pang mahalagang ebidensiya para sa pagsusulong ng kaso laban sa 8 ipinagharap ng reklamong kidnapping with ransom.

Dakong alas- 5:00 ng hapon (Biyernes) nang magtungo sa DID ang 5 pulis kasama umano ang mga abogado na habang iniimbestigahan ang mga ito ay biglang nagsipaglaho.

Nabatid na kahapon ng hapon ay lumakad ang ilang grupo ng MPD personnel upang arestuhin ang mga suspect. 

Show comments