^

Metro

500 kilo ng botcha, nakumpiska

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ngayon ng Pasay City Veterinarian Office ang mga mamimili sa lungsod na mag-ingat sa pagbili ng karne makaraang masabat ang may 500 kilo ng double dead na karne o “botcha” sa Libertad Market kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni City Veterinarian Ronaldo Bernasor, nakatanggap sila ng tip buhat sa impormante ng laganap na bentahan ng botcha sa Libertad Market sa may Primero de Mayo St., Pasay.

Sa pakikipagtulungan ng Pasay City Police, sinalakay ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang naturang palengke dakong alas-2 ng madaling-araw kung saan dinatnan ang mga inabandonang karne sa isang meat stall na walang bantay.

Posible umanong agad na nakatunog ang mga taong nasa likod sa pagpapakalat ng mga botcha sa pagdating ng mga awtoridad kaya agad na tumakas at iniwan na lamang ang mga karneng ilado.

Sinabi ni Bernasor na posibleng nagmula ang mga botcha sa lalawigan ng Bulacan na siyang pangunahing pinanggagalingan din umano ng double dead na karne sa iba’t ibang pamilihan sa Quezon City at Maynila.

BERNASOR

BULACAN

CITY VETERINARIAN RONALDO BERNASOR

LIBERTAD MARKET

MAYNILA

MAYO ST.

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY VETERINARIAN OFFICE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with