P.5-M reward vs killer ng BIR official
MANILA, Philippines - Maglalaan ng P500,000 reward ang pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa sinumang indibidwal na magbibigay impormasyon para sa ikadarakip sa killer ni Revenue District Officer Marcelino L. Yap ng Revenue District Office sa Marikina City.
Si Yap ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang suspek habang papasok na ng kanyang opisina sa BIR Marikina noong Pebrero 17, 2011.
“The amount we are giving may not be that considerable but we hope that it would help in any way not only the family of our fallen colleague but also in the capture of the culprit,” ayon kay BIR Commissioner Kim Henares.
- Latest
- Trending