40-taon sa trader na 'tulak' ng shabu
MANILA, Philippines - Hindi nakalusot sa parusang 20 hanggang 40 taong pagkakakulong ang isang mayamang negosyante matapos mapatunayang guilty sa pagtutulak ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) noong nakalipas na 1999.
Sa desisyong inilabas ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 54 Judge Reynaldo Alhambra, guilty sa kasong paglabag sa Republic Act 6425 (old Dangerous Drugs Act) si Amado Coking, na napatunayang nagbebenta at nagsu-suplay ng shabu.
Inatasan din si Coking na magmulta ng halagang P500,000.
Sa rekord ng korte, si Coking ay nadakip ng anti-narcotics agents ng Detection and Special Operations Office (DSOC) ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) noong Enero 5, 1999 sa Concepcion St., Arroceros, Manila.
Una umanong nadakip ang isang Susan Dalampasigan ng Parañaque City at inginuso ang nagsusuplay ng shabu na si Coking.
- Latest
- Trending