^

Metro

Traffic enforcer itinumba sa kalsada

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Binistay ng bala hanggang sa tuluyang masawi ang isang traffic enforcer habang abala itong nagmamando sa daloy ng trapiko sa gitna ng kal­sada, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Nakilala ang biktima na si Dominador Lopez, ng Brgy. San Isidro ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre .38 baril.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Parañaque Police, dakong 6:45 ng umaga nang maganap ang pamamaslang. Abalang nagmamando ng trapiko ang biktima sa may Dr. A. Santos St., sa Brgy. San Isidro nang lapitan ng nag-iisang suspek na nakasuot ng bonnet.

Hindi umano pinansin ng biktima ang suspek sa pag-aakalang tatawid ito ngunit dumiretso ito sa kinaroroonan ni Lopez at agad na sunud-sunod na pinaputukan ng baril.

Mabilis na tumakas ang salarin sa hindi mabatid na direksyon kung saan pinaniniwalaan na may naghihintay dito na get-away vehicle.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang awtoridad para alamin ang motibo sa pama­maslang sa biktima at pagkakakilanlan sa armadong suspek.

vuukle comment

ABALANG

BATAY

BINISTAY

BRGY

DOMINADOR LOPEZ

DR. A

LOPEZ

MABILIS

SAN ISIDRO

SANTOS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with