^

Metro

Kinakasamang Pinay, 7 pa timbog: P4.2-M ransom nabawi

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nabuking ang pagpa­pa­kid­nap ng isang babae sa kan­yang kinakasama na Malay­sian national nang madakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 5 ang walong katao na inutu­san nito, kasabay ng pagkaka­bawi ng P4.2 milyon na bahagi ng P10 milyon ransom money.

Iprinisinta sa mga mama­mahayag ni NCRPO chief Director Nicanor Bartolome ang nabawing P4.2 milyon ransom, walong pirasong cellphone at isang .9 mm kalibreng baril buhat sa mga naarestong suspect na sina Joana Turla, 20, dating kinakasama ng biktimang si Eric Sim Chin Tong, negosyante at residente ng Mabolo St., Maysilo, Malabon City.

Kasalukuyan ding nakapiit ang mga kasabwat nito na sina Francis Turla, 27; Edel Maca­linao, 36, stay-in secretary ng biktima; Marlon Lopera, 31; Felizardo Guttierez, 44; menor-de-edad na si Jeff, 17; Rolando Manuzon, 29; at Bernardo Manuzon, 38.

Nabatid kay Bartolome, na nagpanggap na inaresto umano ng mga suspect ang biktima noong Marso 6, dakong alas-4 ng hapon sa loob ng kanyang junk shop sa Ma­labon ng apat na kalalakihan sa pangunguna ni Lopera, sa pamamagitan ng pekeng warrant of arrest na umano’y ga­ling sa Manila RTC Branch 17. Sumama naman ang biktima sa pag-aakalang mga awtoridad nga ang umaresto sa kanya.

Huli na nang malaman ng biktima na kinidnap siya at naki­­pagnegosasyon kunwari sa kanyang sekretarya na si Macalinao, hanggang magka­sundo na magbayad ng P10 milyon mula sa $1.5 milyon na unang hininging ransom ng mga suspect.

Ibinaba umano ng mga kid­naper ang biktima sa may Intramuros kinabukasan matapos ang mabilis na bayaran ng ransom kung saan kaagad na nagreklamo ang biktima sa Intramuros PCP na siya ay biktima ng kidnap, dahilan para samahan naman sa PS-5 para sa kaukulang imbestigasyon.

Dahil dito, tinawagan ng biktima ang kinakasama na si Joana­ at si Macalinao, para mag­punta sa istasyon ng pu­lisya at sunduin ang una.

Subalit pagdating sa pre­­sinto, isinailalim sa imbes­tigas­yon si Joana at Macali­nao at sa imbestigasyon ni Sr. Insp.Peter Nerviza, napaamin nito na may kinalaman ang dalawa sa kidnap dahilan para magsagawa ng operasyon ang pulisya at ka­agad na maaresto ang iba pang suspect sa Bulacan at Maynila nang wala pang 24 na oras.

Sinabi ni MPD Director Chief Supt. Roberto Ronga­villa, lumalabas na si Lopera ang mastermind ng grupo at may dalawa pa silang suspect na tinutugis na may dala ng P5.8-M pang ransom na bahagi ng P10-milyon ransom money na ibinayad ng biktima.

Nalaman na si Lopera ay dating syota ni Joana na nga­yon ay kinakasama ng biktima na siyang nagplano sa gagawing pagkidnap at pag­hingi ng ransom sa dayuhan.

BERNARDO MANUZON

BIKTIMA

DIRECTOR CHIEF SUPT

DIRECTOR NICANOR BARTOLOME

EDEL MACA

JOANA

LOPERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with