^

Metro

Limang araw na nawala: Nene ni-rape slay sa San Juan

- Mer Layson, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang biktima ng rape -slay ang isang nene, na limang araw nang nawawala at bangkay na nang matagpuan, matapos na magpaalam na aalis upang magsauli lamang ng libro sa kanyang kaklase sa San Juan City kahapon ng hapon.

Halos basag ang mukha ng biktimang si Sheena Mae Robles, 13, at residente ng Haig St., Brgy. Bagong Silang, Mandaluyong City nang matagpuan ang halos malapit nang maagnas na bangkay nito sa isang bakanteng lote sa San Juan City.

Isang nagngangalang Jeff, barker, ang nakadiskubre sa bangkay dakong alas-4:30 ng hapon sa isang matalahib at bakanteng lote sa may F. Blumentritt St., Brgy. Kabayanan, San Juan City.

Dudumi sana si Jeff sa naturang lugar ngunit nataranta ito at hindi na naituloy ang gagawin nang tumambad sa kanya ang bangkay na masangsang na ang amoy, kaya’t nagtatakbo ito palabas ng bakanteng lote at kaagad na nagsumbong sa mga awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng San Juan Police, lumilitaw na posibleng ginahasa ang biktima dahil wala itong suot na pang-ibaba at naka-bisak­lat din ang dalawang paa habang nakataas ang dalawang kamay.

Pinaniniwalaang pinalo o binagsakan ng matigas na bagay ang mukha ng biktima dahil sa halos pagkabasag nito.

Ayon kay Margie Robles, tiyahin ng biktima, noong Marso 2, alas-7 ng gabi, nang huli nilang makitang buhay ang biktima, matapos na magpaalam na magsa­sauli lamang ng libro sa isang kaklase.

Hindi na umano nakabalik pa ang biktima at matapos ang limang araw na paghahanap ay bangkay na ito nang matagpuan.

Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa kaso.

BAGONG SILANG

BLUMENTRITT ST.

BRGY

HAIG ST.

MANDALUYONG CITY

MARGIE ROBLES

NANG

PINANINIWALAANG

SAN JUAN CITY

SAN JUAN POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with