2 todas, pulis sugatan sa holdap

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang namatay kabilang ang isang holdaper habang sugatan naman ang isang pulis makaraang ratratin ang mga ito ng pitong holdaper sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na si Agosto Violata, ng Bagong Silangan, Q.C. at holdaper na si Rey Joseph Bartolome.

Sugatan naman ang pulis na si PO1 Santos Osorio, 29, nakatalaga sa Traffic Management Group at residente sa Bgy. Payatas, Q.C.

Ayon sa pulisya, nang­yari ang in­sidente sa Sampaguita St., Dama de Noche, Bgy. Payatas ganap na ala-1 ng madaling araw.

Sakay ang mga bik­­ tima sa isang tri­cycle na minamaneho ni Jovito Lumaway, 28, nang harangin ng pitong suspect na armado ng sumpak.

Agad na nagdeklara ng holdap ang mga suspect, hanggang sa paputukan ang mga biktima ng isa sa mga suspect at tinamaan sina Violata at Osorio.

Patay agad si Violata, habang nagawa naman ni Osorio na gumanti ng putok na ikinamatay ng isa sa mga ito habang mabilis namang tumakas ang anim na iba pa.

Show comments