^

Metro

QCPD-Station 12 chief sinibak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sinibak na sa tungkulin ni Quezon City Police District (QCPD) director Police Chief Supt. Benjardi Mantele ang hepe ng Eastwood Police Station 12 matapos masangkot ang tauhan nitong si PO1 Rodrigo Bajog sa kaso ng panggagahasa sa isang babaeng preso dito kamakailan.

Si P/Supt. Pedro San­­chez, ay pansamantalang pinalitan ni Police Supt. Limuel Obon.

Kasunod nito, hini­kayat ni Mantele si PO1 Bajog na akusado sa panggagahasa sa isang tour guide na kanilang ikinulong sa kasong estafa na sumuko ng mapayapa at harapin ang kasong ibinibintang laban sa kanya.

Ayon kay Mantele, si Sanchez ay inalis sa puwesto upang hindi makapag-impluwensya sa isinasagawang imbestigasyon sa kaso ni Bajog matapos na akusahan na inaareglo nito ang kaso ng huli.

Tahasang itinatanggi ni Sanchez ang akusasyon ng biktima dahil agad umano nilang sinampahan ng kaso si Bajog sa Quezon City Prosecutors Office matapos ang reklamo ng panggagahasa at naghihintay na lamang ng warrant of arrest laban dito.

Sa ginagawang case conference sa Camp Tomas Karingal, nag-utos si Mantele ng ma­susing imbestigas­yon laban kay Bajog partikular ang mga kasong grave misconduct  dahil sa pagkabigo nitong ipri­­sinta ang kanyang 9mm service pistol at reckless imprudence re­­sulting in damage to property ma­­tapos na mabangga ang mi­nama­neho nitong patrol car QC-162 (SJA-702) sa isang silver gray To­yota Crown (UHA-243)na pag-aari ng isang Elizabeth Javier noong Agosto 15, 2010 sa kahabaan ng E. Rodri­guez Jr. Ave­nue, Quezon City.

May kaso rin si Bajog na AWOL (Absent without official leave) simula noong Pebrero 22 matapos ang insi­dente ng rape kasama ang pre-charge evaluation report na isinumite sa NCRPO Regional Di­ rector noong Marso 3, 2011.

BAJOG

BENJARDI MANTELE

CAMP TOMAS KARINGAL

EASTWOOD POLICE STATION

ELIZABETH JAVIER

JR. AVE

LIMUEL OBON

PEDRO SAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with