MANILA, Philippines - Palalakasin ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang karapatan ng mga kababaihan at iba pang women empowerment programs para higit na maprotektahan ang kanilang kapakanan sa komunidad na kanilang ginagalawan.
Ito ay sinabi ni Belmonte bilang leading advocate ng gender equality sa lungsod kasabay ng pagdiriwang ng buwan ng mga kababaihan ngayong Marso.
Kinilala naman ni QC Mayor Herbert Bautista ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pagtulong na maitaguyod ang mga programa at development programs sa lungsod para sa kapakanan ng mga taga-QC.
Kaugnay nito, sinabi ni Belmonte na siya ay natutuwa dahil sa ang pamahalaang lokal ay tahasang nahihimok ang mga kababaihan para makiisa sa pagpapaunlad ng lungsod.
Umaasa rin si Belmonte na ang hakbang ng QC government sa pagkilala sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa komunidad ang siyang magiging daan upang magampanan nila ang tungkuling maresolba ang mga problema tulad ng pagtaas ng gender-related violence at maengganyo pa ang mga ito na higit na maging productive na mamamayan.