Beybi nadaganan ni kuya, patay

MANILA, Philippines - Isang apat na buwang gulang na sanggol na babae ang nasawi makaraan umanong madaganan ng kanyang nakatatandang kuya habang sila ay natutulog sa loob ng kanilang tahanan sa Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Idineklarang dead-on- arrival sa Amang Rodriguez Medical Center (ARMC)   ang biktimang si Rachelle Berdan.

Ang ina ng biktima na si Michelle ay nasa “state of shock” o tulala pa rin at halos hindi matanggap ang nangyari sa kanyang bunsong anak.

Nabatid na ganap na alas-3:35 ng madaling-araw nang isugod sa pa­gamutan ang biktima makaraang madaganan ng kanyang kuya na hindi na tinukoy ang pangalan habang sila ay natutulog sa kanilang bahay sa E.Dela Paz St., Brgy, Sto Niño, Marikina.

Sinasabing matinding pagkaipit o suffocation ang dahilan ng pagkamatay ng bata.

Show comments