^

Metro

Pulis na nang-rape ng tour guide sinibak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sinisimulan ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang manhunt operation laban kay PO1 Rodrigo Bajog, ang pulis na gumahasa sa isang tour guide sa loob ng kanilang istasyon ng pulisya sa lungsod.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Benjardi Mantele, pinakilos na niya ang kanyang mga tauhan para sa agarang pagdakip kay Bajog upang papanagutin sa kasong kinakaharap nito.

Kasunod nito, iminungkahi na rin ni Mantele sa National Capital Regional Office (NCRPO) ang agarang pagsibak o dismissal sa kanyang serbisyo laban kay Bajog dahil na rin sa patung-patong na kasong kinakaharap nito.

Giit pa ni Mantele, hindi na dapat pagtagalin pa sa puwesto ang nasabing pulis bunga na rin ng kanyang ginawa na sumira sa hanay ng kapulisan sa kabuuan.

Partikular na inatasan ni Mantele si Supt. Antonio Yarra, hepe ng District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) na hawakan ang kaso ni Bajog, kasabay ng pag-iimbestiga sa iba pang kasong kinakaharap.

Nabatid na February 22, 2011 matapos ang insidente ay hindi na nagpakita si Bajog sa tanggapan ng PS12 dahilan para markahan itong absent without official leave (AWOL).

Maaalalang humingi ng tulong sa tanggapan ng QCPD Press Corps ang 26-anyos na dalaga dahil sa reklamong pang­gagahasa ni PO1 Bajog sa may conference room ng PS12 sa Eastwood na matatagpuan sa #184 C5 Road, corner Richmond St., Brgy. Bagumbayan sa lungsod ganap na ala-1:20 ng madaling-araw noong Feb. 22, 2011.

Giit ng biktima, wala na siyang nagawa nang puwersahin siya ng pulis dahil nakainom ito ng alak at may dalang baril.

ANTONIO YARRA

BAJOG

BENJARDI MANTELE

CHIEF SUPT

DISTRICT INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT DIVISION

GIIT

NATIONAL CAPITAL REGIONAL OFFICE

PRESS CORPS

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHMOND ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with