^

Metro

Pulis, 8 City Hall employees, 'durugista'

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Mismong si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos Jr., ang nagbunyag na isang aktibong pulis at walong em­pleyado ng lungsod ang napatunayang ‘durugista’ makaraang bumagsak sa isinagawang mandatory drug test noong nakalipas na taon.

Ayon kay Mayor Abalos, ini­utos na niya kay Mandaluyong City Police Chief, Sr. Supt Armando Bolalin ang paghahain ng kasong administratibo laban sa pulis na hindi na tinukoy ang pangalan makaraang mabatid na positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang tatlo sa walong em­pleyado naman ng City Hall na pawang mga contractual ay hindi na ni-renew ang kani-kanilang mga kontrata at tuluyan nang sinibak sa trabaho.

Habang ang lima ay nahaharap na rin ngayon sa dismissal proceeding makaraang bumagsak sa isinagawang drug test.

Sinabi ng Alkalde, noong nakalipas na Nobyembre ay sumailalim sa drug test ang may kabuuang 3,862 empleyado, pulis, jailguard, judge at fiscal sa Mandaluyong bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Noong nakalipas na linggo lamang naipadala sa tanggapan ng alkalde ang resulta ng pagsusuri kung saan ay lumitaw na positibo sa paggamit ng droga ang mga nabanggit na empleyado.

ALKALDE

AYON

CITY HALL

HABANG

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS JR.

MANDALUYONG CITY POLICE CHIEF

MAYOR ABALOS

MISMONG

SR. SUPT ARMANDO BOLALIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with