^

Metro

Lola uli nasagasaan, tinakbuhan ng 5 sasakyan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - “Akala nga namin, botcha na ikinalat lang sa daan, pero nang tingnan namin, yun pala isang tao, na nagkapira-piraso ang katawan.”

Ito ang sinabi ng pulisya sa kalunus-lunos na sinapit ng isa na namang hindi nakikilalang matandang babae na nabiktima ng hit-and-run ng may limang sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Traffic Sector 5, dahil pawang nagkaputul-putol ang katawan ng biktima, halos hindi na ito matukoy ng mga rumespondeng awtoridad habang nagkalat sa nasabing kalsada.

Sa pagsisiyasat ni SPO4 Nelson Apostol ng TS5, nangyari ang insidente sa may north-bound lane ng Commonwealth Avenue, Brgy. Central, ganap na alas-4 ng madaling-araw.

Sinasabing nasa madilim na bahagi ng kalsada ang biktima nang salpukin ito ng isang sasakyan. Nang bumulagta sa kalsada ang biktima ay tuluyan na itong sinagasaan ng apat na sasak­yan na patungo sa Fairview.

Ayon kay SPO4 Apostol, dahil na rin sa magkaka­sunod na mga sasakyan na nakasagasa sa biktima ay literal na nagkalasug-lasog ang katawan nito sa kalsada na siyang dahilan para hindi ito makilala.

Sinasabing maaaring hindi­ napansin ng mga ka­sunod na sasakyan ang biktima matapos mabangga dahil­ madilim ang lugar at hindi nila ito nakitang nakahiga sa kalsada.

Subalit, dahil walang na­ka­kita sa pangyayari ay blangko ngayon ang awtoridad kung sino ang dapat papanagutin sa pangyayari.

Ito ang pangalawang pagkakataon na isang matandang babae ang nabiktima ng hit-and-run sa lungsod Quezon na hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nakabanggang sasakyan.

APOSTOL

AYON

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

NELSON APOSTOL

QUEZON

SHY

SINASABING

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with