Sekyu utas sa waiter

MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na security guard ang nasawi nang saksakin ng isang waiter sa loob ng isang res­taurant matapos magkaroon ng mainitang pag­tatalo sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Semion Labbino,Jr., ng #38 Abaker St., Fairview, ng lungsod na nagtamo ng tatlong saksak sa katawan na dahilan ng kanyang kamatayan.

Agad namang nadakip ang suspect na si Jaime Si­nang­gote, 26, waiter, ng 825 Josefina St., Sampaloc, Manila.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:15 ng madaling-araw kahapon ng maganap ang insidente sa loob ng dance floor ng Ihaw-Ihaw Restaurant, Quezon Avenue, corner E. Rodriquez matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Agad din namang nadakip ng mga awtoridad ang suspect.  

Show comments