Sekyu utas sa waiter
MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na security guard ang nasawi nang saksakin ng isang waiter sa loob ng isang restaurant matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Semion Labbino,Jr., ng #38 Abaker St., Fairview, ng lungsod na nagtamo ng tatlong saksak sa katawan na dahilan ng kanyang kamatayan.
Agad namang nadakip ang suspect na si Jaime Sinanggote, 26, waiter, ng 825 Josefina St., Sampaloc, Manila.
Ayon sa ulat, dakong alas-2:15 ng madaling-araw kahapon ng maganap ang insidente sa loob ng dance floor ng Ihaw-Ihaw Restaurant, Quezon Avenue, corner E. Rodriquez matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.
Agad din namang nadakip ng mga awtoridad ang suspect.
- Latest
- Trending