MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay na isinilid pa sa isang sako sa Brgy. Culiat, Quezon City kahapon ng umaga.
Ayon sa Quezon City Police, nadiskubre ang bangkay ng biktima ganap na alas-6 ng umaga na punung-puno ng dugo ang katawan at iniwan ng hindi pa kilalang mga salarin sa may eskinita ng Mujahidin St. sa tapat ng Salam Mosque sa nabanggit na lugar. Nakasuot ito ng kulay gray na t-shirt at dirty white na pants, tinatayang nasa 30 hanggang 40-anyos, kayumanggi.
Hinala ng pulisya, posibleng sa ibang lugar isinagawa ang pagpaslang sa biktima at itinapon lamang sa nasabing compound.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakakilalan ng biktima at sa motibo ng krimen.